Gaya na ng nasabi ko nuon, kung mayroon mang pa-contest na pinaka-maswerteng manugang, kung hindi man ako ang manalo ng gold, siguradong may makukuha akong pwesto.

March '07 - Ako, Nanay, Tatay, Patrick, Jose, Mia at Cris
Kung gaano ka-bait ang Mama ko, ganoon din ka-bait ang Nanay ni Jose. Hindi magiging madali ang pagsisimula namin mag-asawa kung hindi dahil sa napaka-laking itinulong sa amin ni Nanay. Given na yun na alalayan niya kami dahil anak niya si Jose pero hindi duon natapos ang pagmamahal niya sa akin bilang kanyang manugang. Pati ang buong pamilya ko - Mama, Papa, Lolo, Lola, Ate Twinkle, Jd, Angeli at basta ka-dugo at kaibigan ko ay minahal at open arms niyang tinanggap. Pangalawang ina talaga siya sa buhay ko at malamang pati na rin sa buhay ng mga kapatid ko.

March '08 - Nanay Uday at Mama Jean
Wala akong masasabi sa galing ng pakikipag-kapwa tao ni Nanay Uday. Sa kanya bagay na bagay ang katagang, "walang masamang tinapay..." Lahat ng kabutihan sa isang tao ang una niyang nakikita. Wala siyang ibang naging misyon sa buhay kung hindi ang makatulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya. Napaka-simpleng tao ni Nanay pero talagang "rock kung rock." Ngayon ay ipinagdiriwang namin ang kanyang ika-limampu't dalawang kaarawan. (Happy birthday Nay!) Hindi siya conscious sa kung anung edad man niya dahil obviously, she does not look her age. Batang-bata pa rin talaga ang itsura. Yan ang nagagawa ng inner beauty!
March '08 - Tatay, Cris, Nanay, Ting, Jose, Mia, Twinkie at Patrick
Hindi diyan natatapos ang pag-sasaya ng pamilyang Golosino dahil sa araw din na ito isinilang ang bunsong kapatid ni Jose. Si Ting ang nag-iisang kapatid na babae ni Jose at patawad kay Ninong Patrick at Cris, pero si Ting talaga ang pinaka-paborito ng kanilang kuya. Haha! (Ako naman si Patrick ang akin at si Cris ang kay Mia. So quits na ha! Haha!) Happy birthday Ting, hiling ko na matupad lahat ng pangarap mo at nawa'y patuloy kang maging magandang huwaran para sa iyong kasing-cute na pamangkin. Hehe! Grabe! Pinatatanda ninyo kaming lalo. Wala man kami diyan, sana ay lagi ninyo isipin na mahal na mahal namin kayo. Enjoy your day! Maraming salamat sa lahat ng kabutihang ipinakita at ipinadama ninyo sa akin. Miss na miss na namin kayo. 
March '08 - Ting, Ako at Patrick

March '08 - Jose at Ting